Pusong Bato - Hev Abi

Pusong Bato

Hev Abi

00:00

02:55

Similar recommendations

Lyric

'Di ka na maalis sa isip ko, palagi na lang

'Di ka na maalis sa-

'Di ka na maalis sa isip, lagi na lang

Lagi na lagi na lagi na lang

'Di ka na maalis sa isipan ko, palagi na lang

Araw-gabi ka nang pabalik-balik

Ang dahilan ay hindi ko rin alam

Paikot-ikot ka't nakakahilo

Bakit ba hindi mo ako tantanan?

Hirap nang kumain, hirap nang matulog

Lagi na lang natitig sa kawalan

At 'di na alam ang gagawin

Umiiyak, nakaharap sa basag na salamin

Akala ko'y langit, ayo'n pala'y bubog na matalim

Hindi mo alam na dahil sa 'yo ngayon ako ay naaaning

Sana hindi maging kagaya mo na walang pakiramdam

Mangangako tapos 'di tutuparin

Sabi mo pa, "Walang iwanan, walang ibahan ng numero"

Nako, nahuli ko'ng kalokohan mo ta's dedma na lang

Pero ikaw 'tong lumiko, lumayo, umalis

Namaalam nang walang dahilan (yeah)

'Di ka na maalis sa isipan ko palagi na lang

Araw-gabi ka nang pabalik-balik

Ang dahilan ay hindi ko rin alam

Paikot-ikot ka't nakakahilo

Bakit ba hindi mo ako tantanan?

Hirap nang kumain, hirap nang matulog

Lagi na lang natitig sa kawalan

'Kala ko madali lang makalimutan ka

Pero parang lagi na lang mayro'ng kulang pa

Laging hinahanap, laging nakatulala

Laging nananaginip nang gising

Bulalakaw ang hinahanap para maalis sa

Kasinungalingan na babalik ka

Hirap paniwalaan na darating pa

'Yong panahon na sa 'kin muling hahalik ka

Kinabahan no'ng unang linggo

Na hindi ka tumawag (hindi ka tumawag)

Pinagsaraduhan ako ng pinto

Sana 'di na 'ko lumakad ('di na, 'di na, 'di na)

Sana 'di na 'ko pumayag

No'ng sinabi mo sa 'kin na balak mo 'kong alisan

Ngayon nanghihinayang na't hindi mapakali

Andaming pinagsisisihan

'Di ka na maalis sa isipan ko, palagi na lang

Araw-gabi ka nang pabalik-balik

Ang dahilan ay hindi ko rin alam

Paikot-ikot ka't nakakahilo

Bakit ba hindi mo ako tantanan?

Hirap nang kumain, hirap nang matulog

Lagi na lang natitig sa kawalan

'Di ka na maalis sa isipan ko, palagi na lang

Araw-gabi ka nang pabalik-balik

Ang dahilan ay hindi ko rin alam

Paikot-ikot ka't nakakahilo

Bakit ba hindi mo ako tantanan?

Hirap nang kumain, hirap nang matulog

Lagi na lang natitig sa kawalan

- It's already the end -