3:15 (feat. Kiyo) - syd hartha

3:15 (feat. Kiyo)

syd hartha

00:00

03:44

Similar recommendations

Lyric

Ito ang langit sa lupa

Walang makakaabala

Walang ganang pumatak mga luha

Ako ang baril, ikaw nagpapaganang bala

Sa init ng titig

Ako pa ri'y napapaisip

'Di basta basta na maakit puso at utak, mag kapit-bisig

Palapit na nang palapit

Palapit na nang palapit pahigpit na nang pahigpit

'Wag ka nang umalis nakakainis, ang bilis ng takbo ng oras

Palapit na nang palapit

Palapit na nang palapit pahigpit na nang pahigpit

'Wag ka nang umalis nakakainis, ang bilis ng takbo ng oras

Humahampas ang hangin ng katotohanan

Ngunit ayaw kong malanghap nang tuluyan ayaw kong maramdaman

Pilit na iniiwasan, 'di matakasan kakaibang nararamdaman

'Di ko mapigilan, 'di ko rin mahindian

Hinahanap-hanap ko't binabalikbalikan laging

Ganadong dumayo ga'no man kalayo

Ikaw ang pahinga ko't sa'yo ay kalmado

Palapit na nang palapit

Palapit na nang palapit pahigpit na nang pahigpit

'Wag ka nang umalis nakakainis, ang bilis ng takbo ng oras

Palapit na nang palapit

Palapit na nang palapit pahigpit na nang pahigpit

'Wag ka nang umalis nakakainis, ang bilis ng takbo ng oras

Ikulong mo ako ikulong mo ako

Ikulong mo ako

Sa mainit na mga bisig mo

Bubulong ko sa 'yo

Bubulong ko sa 'yo

Bubulong ko sa 'yo

Mga nais ko na malaman mo

Papalapit na ang takipsilim kasabay ng pagdilim

Ang mga lihim anino sa paligid

May gustong sabihin dami ng mga mata, bakit 'di marinig

'Di ko matanggi, puso nagwagi

Utak balisa, sa 'yo ay sabik na sabik na sabik

Bigkas ng bibig, halik sa leeg

Saksak sa dibdib, bilib na bilib

Ngiti at halik mo'y hanap ko

Akin na, hangin na galing sa labi mo baka pwede pa, kakaiba

Bukod-tangi at laging ganadong dumayo

Sa 'yo ay kalmado

Ikulong ako sa kwarto mong kwadrado

Palapit na nang palapit

Palapit na nang palapit pahigpit na nang pahigpit

'Wag ka nang umalis nakakainis, ang bilis ng takbo ng oras

Palapit na nang palapit

Palapit na nang palapit pahigpit na nang pahigpit

'Wag ka nang umalis nakakainis, ang bilis ng takbo ng oras

- It's already the end -